LOOK: Ilang lansangan sa Metro Manila sasailalim sa repair at reblockings ngayong weekend

Ilang lansangan sa Metro Manila ang isasailaim sa road repair at road reblocking ngayong weekend ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ang reblocking at repair ay gagawin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) mula alas 11:00 ng gabi ng Biyernes (Nov. 8) hanggang alas 5:00 ng umaga ng Nov. 11.

Kabilang sa maaapektuhan ng road reblocking ang sumusunod na lansangan:

SOUTHBOUND:
• Edsa Camp Crame Gate hanggang lagpas ng Annapolis Street (tabi ng MRT)
• Edsa lagpas ng Muñoz hanggang Bansalangin Street (1st lane mula sa sidewalk)
• G. Araneta Bayanin intersection

WESTBOUND:
• Quirino Highway Nightingale hanggang Zabarte Road (inner lane)
• General Luis St. mula Samonte Street hanggang SB Road

EASTBOUND:
• Elliptical Road lagpas ng Maharlika Street (6th lane mula sa outer sidewalk)

NORTHBOUND:
• A. Bonifacio Avenue malapit sa Marvex Drive (2nd lane mula sa sidewalk)
• Katipunan Avenue/C-5 lagpas ng CP Garcia Street sa harap UP Town Center (truck lane)
• Edsa lagpas ng Aurora Boulevard hanggang New York Street (3rd lane mula sa sidewalk)
• Congressional Avenue Extension kanto ng Luzon Avenue (2nd lane mula sa center island) at kanto ng Tandang Sora Avenue (truck lane)
• Luzon Avenue bago mag-Congressional Avenue Extension (1st lane mula sa center island)
• R. Magsaysay Boulevard lagpas ng Magsaysay Bridge patungong Quiapo (inner lane)

Pinayuhan ang mga motorista na iwasan na lamang ang nasabing mga lansangan para hindi maabala.

Read more...