Sa pulong ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) na pingunahan ni Robredo, dahil sa nangyaring mga patayan sa mga ikinakasang anti-illegal drugs operation, tila ang pagkakaunawa na ngayon sa salitang “Tokhang” ay giyera kontra mahihirap.
Dapat aniyang mabago ang kaisipang ito ng publiko tungkol sa war on drigs ng pamahalaan at maaring panahon upang pag-isipang palitan ang tawag sa kampanya.
Ang “Tokhang” ay nangangahulugang “katok”.
Sa ilalim ng kampanya na Oplan Tokhang ang dapat na ginagawa ay kinakatok ang mga bahay ng mga hinihinalang gumagamit ng ilegal na droga at hinihimok ang mga ito na tigilan na ang ilegal na gawin at magbagong buhay.