Unang pulong ng ICAD sa pamumuno ni VP Leni Robredo bilang co-chairperson umarangkada na

By Dona Dominguez-Cargullo, Jong Manlapaz November 08, 2019 - 03:05 PM

Jong Manlapaz | Radyo Inquirer

Umarangkada na ang unang pulong ng Inter-agency Committee on Anti-illegal drugs (ICAD) kung saan si Vice President Leni Robredo ay nagsilbi nang co-chairperson.

Dumalo sa pulong ng ICAD sina Interior Secretary Eduardo Año, Acting Philippine National Police chief Lieutenant General Archie Gamboa at PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino.

Dumalo rin si Bucor chief Gerald Bantag at ibang opisyal mula sa DOLE, DSWD, NBI, DoJ, DFA, CHED, CAAP, PCOO, NICA, DepEd, DENR, DA, DBM, DBM at marami pang iba.

Sa opening statement ni VP Robredo pinasalamatan nito ang mga opisyal ng pamahalaan na dumalo sa unang pagpupulong.

Sa pagbubukas ng meeting, iginiit nito na marahil may pagkakaiba man, pero iisa lamang ang layunin ang sugpuin ang bawal na gamot.

Umapela si VP Robredo sa mga opisyal ng pamahalaan na magtulungan para sa ikakatagumpay ng kampanya sa bawal na gamot.

Umapela rin ito na baguhin ang pagtingin ng publiko sa oplan tokhang na tila umano isang giyera laban sa mahihirap.

Nilinaw rin niya na ang addiction ay isang sakit na dapat gamutin.

Pinuri rin nito ang matagumpay na operasyon ng mga otoridad na nakakumpiska ng 1.5 milyong halaga ng marijuana sa Quezon at 9 milyong piso na halaga ng shabu na nakumpiska sa Cebu.

TAGS: Acting Philippine National Police chief Lieutenant General Archie Gamboa, ICAD, Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs, Interior Secretary Eduardo Año, Leni Robredo, Oplan Tokhang, PDEA, PDEA Dir. Gen Aaron Aquino, unang pulong, Acting Philippine National Police chief Lieutenant General Archie Gamboa, ICAD, Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs, Interior Secretary Eduardo Año, Leni Robredo, Oplan Tokhang, PDEA, PDEA Dir. Gen Aaron Aquino, unang pulong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.