Guiuan, Eastern Samar niyanig ng magnitude 5.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang bayan ng Guiuan sa Eastern Samar.

Naitala ang pagyanig ala 1:31 ng hapon ng Biyernes, Nov. 8.

Ang epicenter ng lindol ay sa layong 32 kilometers Southwest ng Guiuan.

May lalim itong 21 kilometers at tectonic ang origin.

Naitala ang sumusunod na intesities:

Intensity IV – Guiuan, Mercedes, Lawaan, Hernani at Salcedo, Eastern Samar
Intensity III – Tacloban City; Palo, Babatngon, Dulag, Abuyog, Hilongos, Bato at Tolosa, Leyte;
San Francisco, Southern Leyte; Borongan at Maydolong, Eastern Samar
Intensity II – Pastrana, Leyte; San Julian, Eastern Samar; Maasin City, Bontoc, Libagon, Saint Bernard, Southern Leyte

Instrumental Intensities:
Intensity IV – Borongan City
Intensity III – Palo, Leyte
Intensity II – Surigao City
Intensity I – Ormoc City; Gingoog City

Ayon sa Phivolcs aasahan pa ang aftershocks bunsod ng naturang lindol.

Read more...