Apat na drug suspects patay sa engkwentro sa mga pulis sa Bulacan

By Dona Dominguez-Cargullo November 08, 2019 - 01:01 PM SHARE(S):

Patay ang apat na drug suspects sa engkwentro sa mga pulis sa Bulacan.

Ayon kay Police Col. Chito Bersaluna, Bulacan police director, nasawi ang isang alyas Rolando matapos manlaban sa mga pulis sa anti-drug operation sa Barangay Tigbe sa bayan ng Norzagaray.

Nangyari ang operasyon alas 7:30 ng gabi ng Huwebes (Nov. 8).

Bago ito, dalawang drug suspects din na nakilalang sina Mark Panganoron at Mark Anthony Mallares ang nasawi nang makipagpalitan ng putok sa mga pulis sa buy-bust operation sa Barangay Gaya-Gaya sa San Jose Del Monte City.

Habang isa pang drug suspect na nakilalang si Allen Omila ang napatay din sa buy-bust operation sa Barangay Guyong sa Sta. Maria, Bulacan.

Aabot sa 40 sachet ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa magkakasunod na operasyon.

TAGS: Bulacan, buy bust operation, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website, Bulacan, buy bust operation, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.