Nonito Donaire tinalo ng Japanese Boxer na si Naoya Inoue sa World Boxing Super Series Bantamweight

By Jimmy Tamayo November 08, 2019 - 12:28 PM SHARE(S):
Inquirer file photo
Bigo si Nonito “The Filipino Flash” Donaire sa kanyang laban sa Japanese boxer na si Naoya Inoue sa World Boxing Super Series bantamweight final na ginanap sa Saitama Super Arena Hhuwebes ng gabi.

Panalo si Inoue laban sa pinoy boxer boxer sa pamamagitan ng unanimous decision sa score na 116-111, 117-109, 114-113.

Hindi naging madali para sa Japanese boxer na tinaguriang “The Monster,” para makuha ang tagumpay matapos makalasap ng matinding tama mula kay Donaire sa second round.

Napuruhan si Inoue sa kanang mata at aminado itong nag-double vision siya hanggang sa huling round.

Pagdating ng 11th round isang matinding left hook ang pinakawalan ni Inoue at tumama sa katawan ni Donaire dahilan para bumagsak ito sa lona bagamat mabilis na nakabangon para tapusin ang laban.

Nakuha ni Inoue ang Muhammad Ali Trophy para sa nasabing torneo.

TAGS: Boxing, Nonito Donaire, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website, World Boxing Super Series bantamweight final, Boxing, Nonito Donaire, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website, World Boxing Super Series bantamweight final

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.