Gunman sa kaso ng pagpatay sa radio broadcaster sa Dumaguete City tukoy na ng pulisya

By Dona Dominguez-Cargullo November 08, 2019 - 12:16 PM

Nakilala na ng mga otoridad ang gunman sa kaso ng pagpatay sa radio broadcaster sa Dumaguete City.

Ayon kay Brig. Gen. Valeriano De Leon, Central Visayas police chief, hawak na nila ang pangalan ng suspek at patuloy na ang hot pursuit operation dito.

Una nang naaresto ang dalawang suspek na sina
Teddy Reyes Salaw at Glenn Corsame na isang retiradong pulis ilang oras matapos tambangan si Dindo Genereso.

Si Corsame ang nagmaneho ng motorsiklo na ginamit sa pananambang habang si Salaw naman ang nagmaneho ng Mitsubishi Strada pick-up at umaktong “spotter.”

Sakay si Generoso ng kaniyang Hyundai Elantra papasok sa trabaho nang siya ay tambangan Huwebes (Nov. 7) ng umaga.

TAGS: ambush, dindo generoso, Dumaguete City, Negros Oriental, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website, ambush, dindo generoso, Dumaguete City, Negros Oriental, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.