5 patay, 120 sugatan sa magnitude 5.9 na lindol sa Iran
(UPDATE) Patay ang limang katao habang sugatan ang 120 iba pa sa tumamang malakas na lindol sa northwestern Iran.
Unang sinabi ng US Geological Survey na 5.8 ang magnitude ng pagyanig pero itinaas ito sa 5.9 kalaunan.
Tumama ang lindol sa Tabriz City sa East Azerbaijan Province, Biyernes (Nov. 8) ng umaga ayon sa Iranian Seismological Center.
8 kilometers lang ang lalim ng pagyanig at nasundan pa ng aftershocks.
Noong 2003 tinamaan ng malakas na pagyanig ang Iran sa Bam City kung saan 31,000 na katao ang nasawi.
Pero ang pinakahuling may kalakasang pagyanig ay noong taong 2012 na ikinasawi naman ng 300 katao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.