Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 430 kilometers West ng Coron, Palawan.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 110 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 135 kilometers bawat oras.
Kumikilos a ng bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong Southwest.
Ayon sa PAGASA, ngayong araw maghahatid pa rin ng katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang bagyo sa Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Apayao at Ilocos Norte.
Mahina hanggang katamtamang pag-ulan naman sa Mindoro Provinces, Palawan at Western Visayas.
Hindi na ito inaasahang tatama sa kalupaan at mamayang gabi o bukas ng umaga ay inaasahang lalabas na ng bansa ang bagyo.
Samantala, ang isa pang bagyo na binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa na Typhoon Halong ay huling namataan sa layong 3,310 kilometers East Northeast ng Extreme Northern Luzon.
Hindi inaasahang papasok ng bansa ang naturang bagyo.