Ban sa Mall sales at class suspension irerekomenda ng MMDA sa kasagsagan ng SEA Games
Irerekomenda ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagbabawal sa mall sales at suspensyon ng klase sa ilang lugar sa Metro Manila sa panahon na idinadaos ang Southeast Asian Games.
Sinabi ito ni MMDA Spokesperson Celine Pialago para maiwasan ang lalong pagsisikip sa daloy ng trapiko sa maraming lansangan.
Sa isang panayam kay Pialago, iginiit nito na nais nilang magdeklara ng class holiday sa 7 paaralan sa Metro Manila mula December 2 hanggang 6.
Hindi niya tinukoy ang 7 paaralan na malapit sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila na isa sa sports venue para sa SEA Games.
Magrerekomenda rin ng MMDA ng sales ban ng mga malls sa EDSA at iba pang SEA Games routes.
Ang 30th SEA Games ay magsisimula sa November 30 at tatagal hanggang sa December 11.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.