Dating NYC Mayor Michael Bloomberg naghayag ng planong sumabak sa U.S. Presidential Race
Naghayag ng kahandaan na tumakbo sa US Presidential race sa 2020 ang dating New York City Mayor na si Michael Bloomberg.
Ayon sa ulat ng The New York Times, naghahanda na ang 77-anyos na bilyunaryo ng kinakailangang mga dokumento para ideklara ang kanyang kandidatura at maging Democratic nominee sa estado ng Alabama.
Sa statement na inilabas ng advisor ni Bloomberg na si Howard Wolfson, nais nilang matiyak na matatalo si President Donald Trump.
“We now need to finish the job and ensure that Trump is defeated –- but Mike is increasingly concerned that the current field of candidates is not well positioned to do that,” ayon sa statement ni Wolfson.
Si Bloomberg ang co-founder at CEO ng media company na hango sa kanyang pangalan at isa sa pinaka-mayaman sa Estados Unidos.
Naging alkalde siya ng New York mula noong 2001 hanggang 2013.
Makikipagtagisan naman si Bloomberg sa 17 kandidato ng Democratic party.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.