Presyo ng krudo muling babawasan ngayong linggong ito

By Isa Avendaño-Umali January 17, 2016 - 08:45 AM

PHILIPPINES-CHINA-DIPLOMACY-MARITIME-OILPanibagong rollback sa presyo ng ilang produktong petrolyo ang ipatutupad, anumang araw ngayong linggo.

Batay sa impormasyon mula sa oil industry, nasa P1.40 ang kaltas sa kada litro ng diesel, habang P1.00 sa bawat litro ng gasolina.

Sa halaga naman ng kada litro kerosene, nasa P1.20 ang posibleng bawas.

Ang price rollback ay bunsod ng pagbaba ng halaga ng langis sa pandaigdigang merkado.

Ang nakaambang bawas-presyo sa mga oil product ay ikatlo na para sa buwan ng Enero 2016.

Sa ngayon, hinihintay pa ang anunsyo ng mga kumpanya ng langis.

 

TAGS: oil price rollback, oil price rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.