Hirit na 30-araw na extension para desisyonan ang Maguindanao Massacre pinayagan ng Korte Suprema

By Dona Dominguez-Cargullo November 08, 2019 - 10:44 AM

Pumayag ang Korte Suprema sa hirit ng hukom na humahawak sa Maguindanao Massacre case na dagdag na panahon para madesisyonan niya ang kaso.

Inihayag ito ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta matapos sumulat sa Korte Suprema si Quezon City Branch 221 Presiding Judge Jocelyn Solis-Reyes.

Sa nasabing liham, nais ni Reyes na mabigyan siya ng 30 araw pa ng Supreme Court para maibaba ang hatol sa kaso.

sa panayam kay Peralta sinabi nitong hindi naman siya nadidismaya na inabot na ng dekada ang kaso at hindi pa rin nadedesisyonan.

Ayon kay Peralta, ginawa naman ni Judge Solis-Reyes ang lahat para maibigay ang hjustisya sa pamilya ng mga biktima at kasabay nito ay ang pagtitiyak ng due process sa mga akusado.

TAGS: judge jocelyn solis reyes, Maguindanao massacre case, mamasapano maguindanao, PH news, Philippine breaking news, Supreme Court, Tagalog breaking news, tagalog news website, judge jocelyn solis reyes, Maguindanao massacre case, mamasapano maguindanao, PH news, Philippine breaking news, Supreme Court, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.