Patay sa patuloy na pag-ulan at pagbaha sa Cagayan umakyat na sa 3

By Dona Dominguez-Cargullo November 08, 2019 - 10:16 AM

Tatlong katao na ang nasawi sa nararanasang patuloy na pag-ulan at pagbaha sa maraming mga bayan sa Cagayan.

Sa Situation Report ng Cagayan Provincial Office, maliban sa tatlong nasawi ay mayroon pang 2 nawawala.

Aabot sa 4,720 na pamilya ang naapektuhan o katumbas ng 16,383 na indibidwal sa 11 munisipalidad sa Cagayan.

Sa ngayon nasa 7,234 na pamilya ang nananatili sa mga evacuation centers sa 61 mga barangay.

Bago pa man pumasok sa bansa nag bagyong Quiel ay inuulan na ang maraming bayan sa Cagyaan dahil sa Amihan at tail end ng cold front.

TAGS: Cagayan, flashflood, PH news, Philippine breaking news, situational report, Tagalog breaking news, tagalog news website, Cagayan, flashflood, PH news, Philippine breaking news, situational report, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.