Clippers pinatawan ng $50K na multa ng NBA

By Jimmy Tamayo November 08, 2019 - 10:05 AM SHARE(S):

Pinagmulta ng pamunuan ng NBA ang Los Angeles Clippers ng aabot sa $50,000 kaugnay ng injury status ni Kawhi Leonard.

Sa isang statement, sinabi ng liga na tanggap nila ang desisyon ng koponan na huwag paglaruin si Leonard dahil sa knee injury.

Gayunman, kinuwestyon ng NBA ang pahayag ni Clippers coach Doc Rivers makaraang sabihin nito na hindi health issue ang dahilan ng hindi paglalaro ng kanilang forward.

Dalawang beses na hindi nakapaglaro si Leonard kabilang ang laban ng Clippers sa Milwaukee Bucks.

Si Leonard ay inaasahang maglalaro sa laban ng Clippers sa Portland Trail Blazer araw ng Huwebes o Biyernes sa Pilipinas (Nov.8).

TAGS: Kawhi Leonard, LA Clippers, Los Angeles Clippers, NBA, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website, Kawhi Leonard, LA Clippers, Los Angeles Clippers, NBA, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.