Pulis patay sa pananambang sa Masbate

By Dona Dominguez-Cargullo November 08, 2019 - 08:57 AM SHARE(S):

Patay ang isang pulis makaraang tambangan sa Batuan, Masbate Huwebes (Nov. 7) ng gabi.

Nakilala ang nasawing pulis na si Police Senior Master Sergeant Oscar Alegada, 43 anyos tubong Batuan at naka-assign sa Batuan police station.

Naganap ang pananambang kay Alegada sa Barangay Canvanez.

Ayon kay Maj. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol police, nakauniporme pa ang bitkima nang mangyari ang pananambang.

Nagtamo si Alegada ng tama ng bala ng baril sa kaniyang ulo.

Naglagay na ng checkpoints sa iba’t ibang bahagi ng Batuan at tinutugis na ang suspek.

TAGS: ambush, batuan masbate, PH news, Philippine breaking news, Police officer, Tagalog breaking news, tagalog news website, ambush, batuan masbate, PH news, Philippine breaking news, Police officer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.