P40.8M na halaga ng shabu nakumpiska sa babaeng pasahero sa NAIA

By Dona Dominguez-Cargullo, Jan Escosio November 08, 2019 - 08:53 AM SHARE(S):

Arestado ang isang babaeng pasahero makaraang mahulihan ng ilegal na droga sa kaniyang bagahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Nakumpiska sa pasahero ang 6 na kilo ng shabu na tinatayang aabot sa P40.8 million ang halaga.

Dumating ang babae Biyernes (Nov. 8 ) ng umaga sa Terminal 3 galing sa Siem Reap, Cambodia sakay ng flight 5J258.

Nang isailaim sa x-ray ang kaniyang backpack ay nakita ang mga hinihinalang ilegal na droga.

Dinala na sa PDEA ang mga nakumpiskang ilegal na droga.

Mahaharap naman sa patung-patong na kaso ang suspek.

TAGS: drug courier, drug suspect, NAIA, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website, Terminal 3, drug courier, drug suspect, NAIA, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website, Terminal 3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.