Drug suspect natagpuang patay sa loob ng sasakyan sa Talisay City, Cebu

By Jimmy Tamayo November 08, 2019 - 08:22 AM SHARE(S):

Natukoy na ang pagkakakilanlan sa isang lalaki na natagpuang patay sa loob ng isang sasakyan sa Barangay Zone 15 sa Talisay City.

Nakilala ang biktima na si Jethro Baldecasa, residente ng Barangay Singcang-Aiport sa Bacolod City.

Ayon sa Talisay City Police, may anim na tama ng bala sa katawan ni Baldecasa nang makita sa isang kulay pulang Sedan.

Ang apat na tama ng bala ay mula sa likod at tumagos sa dibdib habang ang dalawa ay sa kanan at kaliwang kamay ng biktima.

Natukoy rin ng pulisya na ang kotse ay nakarehistro kina Corazon Macalde at Grace Fernandez na may-ari ng isang rent-a-car business na nirentahan noong October 31.

Nakumpirma rin na si Baldecasa ay dati nang naaresto sa isang buy-bust operation sa Bacolod city noong Marso at kalalaya lamang mula sa kulungan.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya at inaalam na kung sino ang nasa likod ng pamamaslang.

TAGS: cebu, PH news, Philippine breaking news, Shooting Incident, Tagalog breaking news, tagalog news website, Talisay City, cebu, PH news, Philippine breaking news, Shooting Incident, Tagalog breaking news, tagalog news website, Talisay City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.