Hukom na may hawak sa Maguindanao massacre case humirit ng palugit para madesisyunan ang kaso
Humihirit ng palugit sa Korte Suprema ang hukom na humahawak sa kasong may kaugnayan sa Maguindanao Massacre.
Nagpadala ng sulat sa Korte Suprema si Quezon City Judge Jocelyn Solis-Reyes para hilingin na bigyan pa siya ng dagdag na 30-araw para mailabas niya ang desisyon sa Maguindanao massacre case.
Ang naturang kaso ay naideklara nang submitted for decision noong August 22, 2019.
Mula sa nasabing petsa, dapat ay mayroon na lamang 90 araw si Reyes o sa ikatlong linggo ng Nobyembre para madesisyunan ang kaso.
Sa kaniyang liham ikinatwiran ni Reyes ang napakadaming records ng kaso.
Aniya umabot na sa 238 volumes na kinabibilangan ng 165 volumes of records ng proceedings, 65 volumes ng transcripts of notes at 8 volumes ng documentary evidence ng prosekusyon.
Ang liham ni Judge Reyes na naka-address kay Court Administrator Jose Midas Marquez ay natanggap ng Korte Suprema noong November 5, 2019.
Umaasa si Reyes na pagbibigyan ng Supreme Court ang kaniyang hiling.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.