2 persons of interest hawak na ng mga otoridad kaugnay sa nanambang sa radio broadcaster sa Dumaguete City

By Dona Dominguez-Cargullo November 08, 2019 - 08:02 AM

Hawak na ng mga otoridad ang dalawang persons of interest na posible umanong may kaugnayan sa pananambang sa radioman na si Dindo Generoso sa Dumaguete City.

Dinakip ang dalawa kabilang ang isang retiradong pulis Huwebes (Nov. 7) ng hapon o wala pang 10 oras matapos ang pagpatay kay Generoso.

Ang dalawa ay nakilala base sa CCTV footage sa lugar kung saan tinambangan si Generoso habang sakay ng kaniyang kotse at patungo sana sa radio program niya sa dyEM FM Bai Radio.

Dalawang lalaking sakay ng motorsiklo ang namaril kay Generoso sa Barnagay Piapi.

Nagtamo si Generoso ng walong tama ng bala ng baril.

Ayon kay Police Col. Julian Entoma, direktor ng Negros Oriental Provincial Police Office, hindi muna nila ilalantad ang pagkakakilanlan ng dalawang perons of interest habang hinahanap pa ang isa pang suspek.

Pero isa sa nadakip ay retiradong pulis na nagsilbi umanong driver ng motorisklo.

Ang isa namang inaresto ay nagsilbi umanong ‘spotter’.

TAGS: ambush, Dumaguete City, Media killings, Negros Oriental, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website, ambush, Dumaguete City, Media killings, Negros Oriental, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.