Angelica Panganiban nag-sorry kaugnay sa kaniyang OOTD Photo sa Holocaust Memorial sa Berlin

By Dona Dominguez-Cargullo November 08, 2019 - 07:31 AM SHARE(S):

Humingi ng paumanhin ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban matapos umani ng batikos ang kanyang OOTD photo na kuha sa isang Holocaust Memorial sa Berlin, Germany.

Sa kanyang Twitter account, iginiit ng aktres na wala siyang intensyon na bastusin ang alaala ng mga nasawi noong Holocaust.

“While there is no malice and intention to malign and disrespect the memories of the Holocaust, I would like to apologize for offending the sensibilities of others over a picture I posted on my IG story,” saad sa kanyang tweet.

Dagdag pa niya na may mga natutunan siya sa ganitong mga pangyayari kasabay ng pangako na hindi na mauulit ang ganitong mga insidente.

Isang Pinay na US based blogger ang nag-leak sa OOTD post ni Panganiban sa kanyang Instagram at tinawag ang atensyon ng dalaga para sabihin na hindi tama ang kanyang ginawa.

Pinayuhan din ito na dapat ay inalam muna ang kasaysayan ng isang lugar at bigyan ng respeto.

Sa IG stories ng aktres, nag-post ito ng larawan na kuha sa sa Holocaust Memorial sa Berlin at nilagyan niya ng caption na : “Kabibili ko nga lang pala ng bansang ito [ayon] sa OOTD ko. Tabi! Dadaan ang madam!”

Si Angelica at ang kanyang pamilya ay nagbabakasyon ngayong sa Europe.

Samantala, ibinunyag rin ng aktres na nagkaroon ng hindi magandang karanasan ang kanyang pamilya habang nasa Paris, France.

Base sa kanyang tweet tila hindi maganda ang ginawa ng taxi driver na sinakyan ng kanyang pamilya.

TAGS: Angelica Panganiban, berlin, Holocaust Memorial, ootd post, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website, Angelica Panganiban, berlin, Holocaust Memorial, ootd post, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.