Water level ng Angat dam nadagdagan pa sa nakalipas na magdamag

Nadagdagan ang water level ng Angat dam sa nakalipas na magdamag.

Ayon sa PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ng Biyernes (Nov. 8) ay nasa 188.55 meters ang antas ng tubig sa Angat dam.

Mas mataas kumpara sa 188.37 meters kahapon ng umaga.

Ang Ipo dam naman ay nadagdagan din at nasa 100.94 meters ngayon, gayundin ang La Mesa dam na nasa 77.49 meters.

Nadagdagan din ang antas ng tubig sa Binga, San Roque, Pantabangan at Magat dams.

Habang nabawasan naman ang water level ng Ambuklao at Caliraya dams.

Read more...