ALAMIN: Mga aktibidad kaugnay ng paggunita sa ika-6 na anibersaryo ng Yolanda

By Rhommel Balasbas November 08, 2019 - 06:33 AM

Maraming inilatag na aktibidad ngayong araw para sa paggunita sa ikaanim na anibersaryo ng paghagupit ng Super Typhoon Yolanda.

Sa Tacloban City, isang Banal na Misa ang magaganap sa Mass Grave Memorial sa Holy Cross Cemetery alas-7:00 ngayong umaga.

Mayroon ding isasagawang memorial program sa Tacloban City Convention Center mamayang alas-3:00 ng hapon.

Susundan ito ng candle-lighting activity alas-6:00 ng gabi matapos ang pagpapatunog sa mga kampana ng mga simbahan sa lungsod.

Sa National Museum, mayroong isasagawang presentasyon sa isinasagawang La Inmaculada Concepcion Parish Church Restoration Project sa Guiuan, Eastern Samar at film showing ng pelikulang ‘Fields of Hope’ mamayang ala-1:00 ng hapon sa Ayala Room, National Museum of Anthropology.

Ang KBOX Studios Music naman ay may isasagawang commemoration gig mamayang alas-8:00 ng gabi.

Bukod sa gig, tatanggap din ang KBOX ng mga donasyon para naman sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.

Ang grupo naman ng collective artists na ‘Kolar Banwa’ ay nagsasagawa ngayon ng commemorative art exhibit sa Café Lucia sa Tacloban City.

Nagsimula na ang art exhibit noong Miyerkules ngunit tatagal ito hanggang sa December 6, 2019.

Mula ngayong araw hanggang November 14 sa Glorietta 4, Left Wing, Makati City, aarangkada ang ‘interactive virtual reality tour’ sa ground zero ng Yolanda na handog ng Postcards from Disaster.

Higit 6,300 ang nasawi sa pananalasa ng itinuturing na isa sa pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan.

Kamakailan, inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang ideklara ang araw na ito bilang Yolanda Commemoration Day.

 

TAGS: leyte, PH news, Philippine breaking news, Super Typhoon Yolanda, Tacloban City, Tagalog breaking news, tagalog news website, leyte, PH news, Philippine breaking news, Super Typhoon Yolanda, Tacloban City, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.