Ayon kay Jose Clyde Yayong, ang head ng Tagaytay City Disaster Risk Reduction Management Office o CDRRMO, nangyari ang insidente kaninang 2:30 ng madaling araw sa tapat mismo ng Starbucks Tagaytay at hindi pa makilala ang mga nasawi dahil malubhang nasunog ang mga ito.
Nabatid na pulang Toyota Vios na may plakang AHA 5287 ang nasunog na sasakyan.
Sa ngayon aniya ay naialis na ang mga labi ng anim na nasawi sa loob ng sasakyan ngunit wala pang maibibigay ang SOCO na impormasyon sa pagkakakilanlan ng mga ito.
Ayon naman sa mga nakakita sa aksidente, mabilis ang takbo ng naturang sasakyan bago ito sumalpok sa isang puno at sumiklab.
Nagsasagawa na ngayon ng imbestigasyon ang SOCO sa naturang insidente upang malaman ang pagkakakilanlan ng mga biktima.