Dalawang bayan sa Cagayan isinailalim sa state of calamity dahil sa naranasang pagbaha

By Dona Dominguez-Cargullo November 08, 2019 - 06:29 AM

Isinailalim na sa state of calamity ang dalawang bayan sa Cagayan Valley na naapektuhan ng pagbaha bunsod ng ilang araw nang nararanasang pag-ulan.

Ayon kay Cagayan Governor Manuel Mamba, kabilang dito ang bayan ng Allacapan at Claveria.

Ani Mamba, simula nang maranasan ang patuloy na pag-ulan sa northeastern towns ng Cagayan aabot na sa 77 barangays ang naapektuhan mula sa 7 bayan.

Nasa 2,091 na pamilya ang apektado o aabot sa 6,400 na indibidwal.

Kabilang din sa iba pang bayan na labis na inuulan ay ang Pamplona, Baggao, Sanchez Mira, Piat at Lasam.

Bago pa pumasok sa bansa ang Bagyong Quiel nakararanas na ng pag-ulan sa nasabing mga bayan.

Maliban sa pagbaha ay nakapagtala din ng landslides sa ilang mga lugar.

TAGS: Allacapan, Cagayan, Claveria, flashfloods, Landslides, PH news, Philippine breaking news, State of Calamity, Tagalog breaking news, tagalog news website, Allacapan, Cagayan, Claveria, flashfloods, Landslides, PH news, Philippine breaking news, State of Calamity, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.