Pagpatay sa broadcaster sa Dumaguete City kinondena ng NUJP
Mariing kinondena ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang panibagong insidente ng pagpatay sa isang mamamahayag.
Ayon sa NUJP si Dindo Generoso na ang ikalawang mamamahayag na na pinatay sa Negros Oriental ngayong taon.
Si Generoso ay binaril araw Huwebes (Nov. 7) ng umaga habang sakay ng kotse papunta sa kaniyang radio show.
Si Generoso ang ika-14 na journalist na nasawi sa ilalim ng Duterte Administration at pang 187 na mamamahayag na napatay mula 1986.
Noong April 31, pinagbabaril din hanggang sa masawi si NUJP Dumaguete chair Edmund Sestoso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.