Pamahalaan ng Vietnam inaasikaso na ang repatriation sa 39 nilang mamamayan na natagpuan sa loob ng truck sa Britain

November 08, 2019 - 05:53 AM SHARE(S):

Ipinoproseso na ng gobyerno ng Vietnam ang pagpapauwi sa 39 nilang mamamayan na natagpuang patay sa loob ng isang truck sa United Kingdom noong nakaraang buwan.

Nasa Britain na ang delegasyon ng embahada ng Vietnam sa London para asikasuhin ang repatriation sa mga labi.

Ito ay matapos makupirma ng British police na lahat ng bangkay na nadisukbre sa loob ng refrigerated truck noong October 23 ay pawang Vietnamese.

31 sa mga biktima ay lalaki at 8 ang babae.

Umaasa ngayon ang pamilya ng mga nasawi na mabibigyan ng hustisya ang kanilang mahal sa buhay.

TAGS: Britain, PH news, Philippine breaking news, refrigerated truck, Tagalog breaking news, tagalog news website, truck, Vietnam, vietnamese, Britain, PH news, Philippine breaking news, refrigerated truck, Tagalog breaking news, tagalog news website, truck, Vietnam, vietnamese

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.