Turista patay, isa pa kritikal sa pagkalunod sa Boracay
Patay ang isang turista habang isa pa ang kritikal matapos tangayin ng malakas na alon at malunod sa Boracay, Huwebes ng hapon.
Naliligo lamang ang mga biktima sa Station 2 nang humampas ang malalakas na alon.
Kinilala ang nasawi na si Roberto Baisas, 50 anyos na residente ng Sta. Cruz, Laguna.
Ang isa naman ay nakilala na si James Alfararo, 20 anyos, residente naman ng Cebu City.
Ayon sa mga rumesponde, nakita na lang ng ilang naliligo na humihingi ng tulong ang dalawa.
Ayon kay Catherine Ong ng Malay Disaster Risk Reduction Management, dinala sa pinakamalapit na ospital ang dalawa ngunit idineklarang dead on arrival si Baisas.
Kritikal naman si Alfararo at patuloy na nagpapagaling sa ospital.
Pinaniniwalaang ang malalakas na alon ay bunsod ng severe tropical storm Quiel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.