Palengke sa Quezon City nasusunog

By Rhommel Balasbas November 08, 2019 - 05:14 AM SHARE(S):

Nasusunog ang Galas Public Market sa Quezon City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection – Quezon City, alas-4:12 ng madaling araw nang i-report sa kanila ang sunog.

Makalipas ang ilang minuto o dakong alas-4:20, agad itong itinaas sa ikaapat na alarma.

Isang hilera ng mga tindahan ang nasusunog kung saan ilan sa mga stalls ay nagtitinda ng paputok.

Mayroon ding nadamay na stalls na naglalaman ng mga damit, plastic at styro.

Patuloy itong inaapula ng mga bumbero.

Isa ang nasugatan at isa npa ang nahirapang huminga dahil sa sunog na agad namang binigyan ng lunas.

I-refresh ang page na ito para sa updates.

 

TAGS: fire alert, Galas Public Market, sunog, fire alert, Galas Public Market, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.