Nagkasa ng entrapment operation ang MPD-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban sa 33 anyos na suspek makaraang dumulog ang biktima.
Ang biktima na 26 anyos at operator ng Philippine offshore gaming operations (POGO) at ang suspek ay nagkakilala sa social media app na WeChat.
Nagbanta ang suspek na dudukutin ito kapag hindi nagbigay ng pera.
Unang nanghingi ang suspek ng ¥2 milyon o P14 milyon ngunit hindi pa nakuntento at humingi ng karagdagang P200,000 na dapat umanong ibigay kada linggo.
Dahil dito, nagsumbong na ang biktima sa pulisya at nakipagkasundong makipagkita sa harapan ng isang hotel sa Malate.
Kumagat ang suspek na nagresulta sa kanyang pagkaaresto.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, miyembro ang suspek ng isang grupo ng sindikatong nambibiktima ng POGO operators.
Sasampahan ang suspek ng kasong robbery-extortion at inaalam kung may iba pa itong nabiktima.