Malacañang: Ekonomiya ng Pilipinas ‘back on track’ matapos ang 6.2% Q3 GDP growth

By Rhommel Balasbas November 08, 2019 - 03:57 AM

INQUIRER FILE

Ikinatuwa ng Palasyo ng Malacañang ang 6.2% na paglago ng gross domestic product (GDP) ng bansa para sa ikatlong kwarter ng taon.

Inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) araw ng Huwebes ang GDP data kung saan pinakamabilis ang paglago ng service sector sa 6.9%, sinundan ng industry sector, 5%, at agriculture 3.1%.

Sa isang pahayag, binati ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang lahat ng bahagi ng administrasyong Duterte lalo na ang nasa economic team.

“We laud everyone in the Duterte administration, specifically the members of the economic team, for maintaining our 6% or above ‘fighting target’ for economic growth in 2019,” ani Panelo.

Sa nagdaan dalawang kwarter, naging mabagal ang paglago ng ekonomiya kung saan 5.5% growth lang ang naitala partikular sa 2nd quarter.

Ang 3rd quarter GDP ay mas mataas din sa 6 percent median forecast ng mga ekonomista.

Ayon sa kalihim, ‘back on track’ nang muli ang socioeconomic goals ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama na ang layuning maibaba ang poverty incidence ng 14 percent bago matapos ang kanyang termino sa 2022.

Sinabi ni Panelo na ang paglago ng GDP ay nagpapakita ng kakayahan ng administrasyong pangalagaan ang ekonomiya ng bansa sa kabila ng mga kinaharap na suliranin.

“This development illustrates [the administration’s] competence in other fields, such as protecting the health of the nation’s economy notwithstanding inevitable setbacks it has encountered in the past,” dagdag ni Panelo.

Kumpyansa naman ang gobyerno na maaabot ang 6 hanggang 7 percent na economic growth target para sa taong ito.

TAGS: gross domestic product (GDP), Philippine economy, Philippine Statistics Authority (PSA), Presidential Spokesperson Salvador Panelo, third quarter, gross domestic product (GDP), Philippine economy, Philippine Statistics Authority (PSA), Presidential Spokesperson Salvador Panelo, third quarter

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.