#WalangPasok: Klase, trabaho sa gobyerno sinuspinde ngayong Nov. 8 para sa ‘Yolanda’ anniversary
Nagsuspinde ng pasok sa eskwelahan at trabaho sa gobyerno ang ilang lokal na pamahalaan sa Leyte at Southern Leyte ngayong araw ng Biyernes, November 8.
Ito ay bilang paggunita sa ikaanim na anibersaryo ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda.
Magugunitang sa Eastern Visayas nanalasa ang bagyo at ang pinakaapektado ay ang Leyte.
Narito ang mga walang pasok sa klase at opisina sa gobyerno.
LEYTE
• Alangalang
• Babatngon
• Baybay City
• Carigara
• MacArthur
• Mahaplag
• Mayorga
• Palo
• Tabontabon
• Tacloban City
• Tanauan
• Tolosa
SOUTHERN LEYTE
• Maasin City
• Macrohon
• Tomas Oppus
EASTERN SAMAR
• Borongan City
• Guiuan
• Llorente
SAMAR (buong lalawigan)
Biliran
• Biliran
Nasa 6,300 ang nasawi at nawala sa hagupit Super Typhoon Yolanda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.