‘Now and Forever’, Sarah G., at Matteo Guidicelli ikakasal na

By Rhommel Balasbas November 08, 2019 - 02:48 AM SHARE(S):

Forever’s not enough na ang pag-iibigan ng long-time sweethearts na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Ito ay matapos bumaha ang congratulatory messages sa Instagram post ni Matteo araw ng Huwebes dahil sa mga larawang nagpapakita ng tila ay engaged na sila ng Asia’s Posptar Royalty.

Makikita si Sarah na may suot-suot na diamond ring sa kaliwang kamay.

Caption ng naturang post, ‘I love you my love, now and forever.’

Una nang nagkumpirma sa engagement ang isang cryptic post ng kapatid ni Matteo na si Paolo.

Sa isang Instagram story, isinulat ni Paolo ang ‘Nobody found out’ katabi ang isang ring emoji.

Sinundan pa ito ni Paolo ng isang separate story na may larawan nina Sarah at Matteo at may caption namang ‘Congrats. It was a secret’.

Bago naman matapos ang TV Patrol, ang flagship newscast ng ABS-CBN na network ng showbiz couple, ibinalita na rin na kumpirmado na ang engagement.

Ang post ni Matteo hinggil sa engagement nila ni Sarah ay may halos 500,000 likes na at ipinagbubunyi ng netizens.

 

View this post on Instagram

 

I love you my love, now and forever. ❤️

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog) on Nov 7, 2019 at 2:53am PST

TAGS: Asia’s Popstar Royalty, engagement, Matteo Guidicelli, Sarah Geronimo, showbiz couple, Asia’s Popstar Royalty, engagement, Matteo Guidicelli, Sarah Geronimo, showbiz couple

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.