Naitala ang episentro ng pagyanig sa layong 16 kilometro Hilagang-Silangan ng General Luna.
May lalim itong 15 kilometro.
Naitala ang Instrumental Intensity I sa Surigao City.
Samantala, naitala rin ang magnitude 3.0 na aftershock sa layong walong kilometro Hilagang-Silangan ng Tulunan, Cotabato.
May lalim naman itong 32 kilometro.
Naitala ang Instrumental Intensity I.
Naitala rin ang magnitude 3.1 na lindol sa layong anim na kilometro Timog-Kanluran ng Madrid, Surigao del Sur.
May lalim itong 33 kilometro.
Tectonic ang dahilan ng mga pagyanig at hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.
MOST READ
LATEST STORIES