M4.2 na lindol yumanig sa Surigao del Norte
Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang bahagi ng Surigao del Norte alas-8:50 Huwebes ng gabi.
Naitala ang episentro ng pagyanig sa layong 16 kilometro Hilagang-Silangan ng General Luna.
May lalim itong 15 kilometro.
Naitala ang Instrumental Intensity I sa Surigao City.
Samantala, naitala rin ang magnitude 3.0 na aftershock sa layong walong kilometro Hilagang-Silangan ng Tulunan, Cotabato.
May lalim naman itong 32 kilometro.
Naitala ang Instrumental Intensity I.
Naitala rin ang magnitude 3.1 na lindol sa layong anim na kilometro Timog-Kanluran ng Madrid, Surigao del Sur.
May lalim itong 33 kilometro.
Tectonic ang dahilan ng mga pagyanig at hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.