Ayon kay Speaker Cayetano, bagamat suportado nila ang anumang panukala para maging transparent ang 2020 national budget ay dapat pa rin itong ipaalam kay Senador Sonny Angara na chairman ng Senate Finance committee at Davao Rep. Isidro Ungab, chairman ng House Appropriations committee.
Giit pa niya, hindi sila takot sa transparency, subalit ayaw naman nilang maging “circus” ang bicam kapag ni-live ito dahil maraming magpa-play sa media at sa gallery sa halip na pag-usapan talaga kung paano ang budget.
Nauna nang sinabi ni Lacson na dapat makita ng publiko ang bicameral meeting dahil mayroon pang ibang amendments ang isinisingit at ini-introduce ng bawat isang kongresista.
Para kay Cayetano, dapat ang Senado ang unang maghain ng formal proposal sa Kamara para maging open sa public ang bicameral bago magdesisyon ang Kamara dahil sa ngayon ay isang senador lang naman ang may gusto nito.
Reaksyon ito ni Cayetano sa pahayag ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na para maging transparent ay dapat na buksan sa publiko ang budget deliberation.