Pirmado na ni Mayor Isko Moreno ang pondo ng Manila City government para sa taong 2020.
Pinirmahan ng alkalde ang Ordinance No. 8585 na binubuo ng 2020 executive budget na nagkakahalaga ng P17,857,086,146.
Ayon sa Manila City Council, ito ang pinakamalaking pondo na naipasa at pinakamabilis na pinirmahan ng isang alkalde.
Pinakamalaki ang nakalaang pondo para sa Social Services na nagkakahalaga ng P8,529,942,113. Katumbas ito ng 48 porsyento ng kabuuang buget.
Malaki rin ang inilaan para sa General Services na may ang P4,109,796,562 o 23 porsyento ng buong budget.
Sumunod dito ang Statutory and Contractual Obligations na may budget allocation na P3,046,077,153 habang ang Economic Services naman ay may P2,171,270,318.
Sa social amelioration program, nasa P1,818,785,300 ang pondo para sa 301,092 na benepisyaryo.
Kabuuang P1,269,971,136 na pondo naman ang hawak ng pamahalaang lokal para sa environmental management efforts.
Narito naman ang halaga ng iba pang programa ng pamahalaang lokal ng Maynila:
– P742,590,482 (local disaster risk reduction and management efforts)
– P350,000,000 (peace and order)
– P300,000,000 (Land for the Landless program at Vertical Housing program)
– P300,473,186 for Universidad de Manila)
– P145,490,000 (Pamantasang Lungsod ng Maynila)
– P130,161,037 (iba pang eskwelahan sa lungsod)
Samantala, sa mga departamento, pinakamataas ang budget allocation sa Manila Department of Engineering and Public Works (DEPW) na may P1,865,689,579.
Sumunod dito ang Office of the Mayor (P1,761,432,544), Manila Health Department (P1,301,780,203), Department of Public Services (P1,269,971,136), at Ospital ng Maynila Medical Center (P1,051,012,471).
Halos P3 bilyon ang itinaas ng pondo para sa 2020 ng Maynila kumpara sa P14,862,263,289 sa 2019.