Pagpapalutang ng P1.1-B investment ng PECO, gimik lang – MEPC
Tinawag na gimik ng bagong electricity distribution utility sa Iloilo na More Electric and Power Corp. (MEPC) ang ipinalulutang na P1.1-billion investment na gagawin sa loob ng 10 taon ng Panay Electric Co. (PECO).
Ayon kay MEPC President Roel Castro, nakapagtatakang inilulutang pa ng PECO ang ganitong klase ng stratehiya gayong alam naman ng kumpanya na hindi na ito ang syang may hawak ng legislative franchise para maging power distributor sa Iloilo City matapos na rin na hindi irenew ng Kongreso ang kanilang prangkisa para makapagpapatuloy ng kanilang negosyo.
Ani Castro, mas na-apreciate sana ng mga residente ang anunsyo sa P1.1B investment ng PECO kung ito ay ginawa dati pa upang napalitan ang kanilang mga sira sira poste at napabuti sana ang kanilang serbisyo.
Ang PECO ay may 95 taong naging distribution utility sa Iloilo City, noong Enero 19,2019 ay nagpaso ang legislative franchise nito at ibinigay ng Kongreso ang bagong prangkisa sa MEPC, upang maging maayos ang pagturn over ng serbisyo sa pagitan ng dalawang kumpanya ay binigyan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ng provisional Certificate of Public Convenience and Necessity (CPCN) ang PECO upang patuloy na makapagoperate sa loob ng 2 taon kahit wala nang hawak na franchise upang matiyak na hindi maantala ang pagbibigay ng supply ng kuryente sa mga residente habang isinasaayos ang turn over.
Kasabay ng ibinigay na prangkisa ng Kongreso sa MEPC ay binibigyan din ng ito ng kapangyarihan na iexpropiate o kunin at bilhin nito ang distribution assets ng PECO, ang nasabing hakbang ay kinuwestiyon ng PECO subalit sa desisyon na ipinalabas ng Court of Appeals kamakailan ay pinagtibay nito ang kautusan at sinabing walang nalabag sa karapatan ng pagnenegosyo sa PECO dahil sa utos na expropriation.
Pinuna rin ng MEPC ang PECO na kung sinsero ito sa anunsyo na P1.1B investment ay nakapagtatakang ginawa ito sa Taguig City gayong dapat ay ginawa ito sa Iloilo City upang marinig ng 65,000 consumers nito.
Sa oras na mai-turnover sa MEPC ang operasyon ng power utility ay una nang sinabi ng kumpanya na P1.7 billion ang kanilang gugugulin sa loob ng 3 taon para imodernized ang distribution facilities sa Iloilo City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.