WATCH: Pagtanggap ni VP Robredo na pamunuan ang ICAD, welcome sa DOJ

PHOTO GRAB FROM: VP Leni Robredo/FACEBOOK

Welcome sa Department of Justice (DOJ) ang pagtanggap ni Vice President Leni Robredo sa alok ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal drugs (ICAD).

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, masaya at nakakagalak dahil bahagi na si Robredo ng war on drugs campaign.

Sinabi pa nito na pagkakataon na ito ng bise presidente para ibahagi ang alternatibong solusyon para masugpo ang ilegal na droga sa bansa.

Narito ang buong ulat ni Noel Talacay:

Read more...