May pananagutan sa batas ang pamunuan ng Kentex Manufacturing Corporation dahil sa pagkuha nila ng serbisyo ng isang manning agency na hindi rehistrado sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na hindi rehistrado sa DOLE ang kinuha ng Kentex na CJC Manpower para sa mga sub-contractors employees na kabilang sa mga nasawi sa nasunog nana factory.
Ayon kay Baldoz, nangangahulugang isang fly-by-night ang naturang manpower agency.
“Lumabas kasi na ang CJC ay hindi registered, ibig sabihin fly by night siya, so kung totoo iyan mananagot ang Kentex diyan, kasi kinuha nila service ng CJC”, yan ang sinabi ni Baldoz sa panayam ng Radyo Inquirer.
Ngayong araw ay nagpatawag ng pulong ang DOLE sa pamunuan ng Kentex at sa CJC at kabilang sa mga tutukuyin ay ang bilang ng mga empleyado na nai-hire ng Kentex sa ilalim ng CJC manpower.
Sa pulong, kabilang din sa aalamin ng DOLE kung ano ang mga benepisyong hindi naibibigay sa mga manggagawa.
Closed door ang isinagawang pulong sa DOLE -NCR at sa impormasyon mula sa tanggapan ni DOLE NCR Director Alex Avila, may ipinadalang kinatawan ang Kentex.
Una nang sinabi ni Baldoz hindi dapat magdahilan ang pamunuan ng Kentex at kailangan itong dumalo sa pagdinig.
“Binigyan sila ng sapat na panahon para dumalo sa pulong na ito at hindi sila maaaring magdahilan na hindi nasabihan,” paliwanag ng kalihim.
Dagdag pa ni Baldoz, dapat na agad mata
lakay ang usapin kaya hindi na dapat magpaka-teknikal pa ang abogado ng Kentex.
Dapat aniyang ituring ng Kentex na urgent ang usaping ito at siputin ang meeting.
Nauna rito ay nagpasabi ang abogado ng Kentex na si Atty. Reynato Paraiso na hindi sila nakatanggap ng pormal na imbitasyon sa naturang pulong na ipinatawag ng DOLE. – Dona Dominguez-Cargullo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.