60 sakay ng tumaob na bangkay sa Sibonga, nailigtas ng PCG
Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mahigit 60 katao makaraang tumaob ang sasakyang-pandagat sa Cebu City, Huwebes ng umaga.
Ayon sa PCG-Central Visayas, 53 pasahero at pitong crew members ang sakay ng tumaob ang M/V Siargao Princess dahil sa lakas ng alon sa bahagi ng Sibonga pasado 11:00 ng umaga.
Umalis ang bangka sa bayan ng Loon sa Bohol bandang 9:30 ng umaga.
Nagkasa ng search and rescue operations sa PCG katuwang ang Maritime Industry Authority (MARINA), PNP Maritime, lokal na pamahalaan at Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) ng Carcar, Argao at Sibonga
Dinala ang mga nailigtas na pasahero sa Carcar City District Hospital.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.