CHR, kinondena ang pagpatay sa isang brodkaster sa Dumaguete City

By Angellic Jordan November 07, 2019 - 04:44 PM

Mariing kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang marahas na pagpatay sa isang radio broadcaster sa Dumaguete City, Negros Oriental.

Pinagbabaril ang DYSR FM radio broadcaster na si Dindo Generoso nang hindi pa nakikilalang riding-in-tandem, Huwebes ng umaga.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Atty. Jacqueline Ann de Guia, tagapagsalita ng CHR, na ang dumaraming bilang ng pag-atake sa mga miyembro ng media ay sumasalamin sa bumababang espasyo para sa freedom of speech at expression.

Dapat aniyang paigtingin ng gobyerno ang aksyon para maprotektahan ang kaligtasan at kalayaan ng mga mamamahayag.

Hinikayat din ni de Guia ang Philippine National Police (PNP) at lokal na gobyerno na siguruhing mahuhuli ang mga responsable sa krimen.

Nakiramay naman ang ahensya sa pamilya ng biktima.

Nangako pa ang CHR na magsasagawa ng malalimang imbestigasyon sa kaso.

TAGS: ambush, CHR, dindo generoso, Dumaguete City, DYSR FM, Generoso ambush, Negros Oriental, ambush, CHR, dindo generoso, Dumaguete City, DYSR FM, Generoso ambush, Negros Oriental

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.