Magnitude 3.6 na lindol, yumanig sa Cagayan

Tumama ang magnitude 3.6 na lindol sa Cagayan, Huwebes ng tanghali.

Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 33 kilometers Southwest ng Calayan bandang 12:18 ng tanghali.

May lalim ang lindol na 16 kilometers at tectonic ang dahilan.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...