Sinalakay na opisina ng mga militanteng grupo, safehouse ng NPA – AFP

By Jan Escosio November 07, 2019 - 03:10 PM

Ipinagdidiinan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang sinalakay na mga opisina ng mga militanteng grupo sa Bacolod City ay itinuturing nilang ‘underground houses’ ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP–NPA).

Ayon kay Brig. Gen. Eric Vinoya, commander ng Joint Task Force Negros, kasinungalingan ang sinasabi ng Makabayan Bloc na legal na opisina ng mga grupo ang mga sinalakay ng mga pulis at sundalo.

Diin nito, propaganda lang ang mga pahayag ng CPP–NPA para makakuha ng simpatiya.

Katuwiran pa ni Vinoya, walang permit ang mga opisina, walang signages sa labas at wala rin sa directory ang kanilang mga address at hindi rin ito matagpuan online.

Dagdag pa ng opisyal, mas madalas na sarado ang mga tinatawag na underground houses dahil dito itinatago ang mga armas at ang kanilang mga sugatang miyembro.

Patunay nito, ang pagkaka-aresto ng kanilang front leaders, pagkakadiskubre ng mga baril at pagkakasagip ng mga bagong recruit na kabataan sa mga sinalakay na opisina.

TAGS: AFP, Brig. Gen. Eric Vinoya, CPP-NPA, Joint Task Force Negros, Makabayan bloc, AFP, Brig. Gen. Eric Vinoya, CPP-NPA, Joint Task Force Negros, Makabayan bloc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.