Mga kaanak ng SAF 44 maagang ginunita ang anibersaryo ng Mamasapano incident sa Baguio City

By Den Macaranas January 16, 2016 - 08:04 PM

SAF/JAN.29,2015 Pictures of the slain PNP SAF killed in an alleged "misencounter" with MILF and BIFF in Mamasapano,Maguindanao displayed outside the gates of  Camp Bagong Diwa, Taguig. INQUIRER PHOTO/RAFFY LERMA
INQUIRER PHOTO/RAFFY LERMA

Nagtipon-tipon sa baguio City ang ilan sa mga kaanak ng tinaguriang SAF 44 para sa isang prayer walk at pag-alala na rin sa unang taong anibersaryo ng Mamasapano incident.

Maaga pa lamang kanina ay nagsam-sama na ang grupo sa Baloi Park sa Baguio City kung saan ay nag-alay din sila ng panalangin para sa mga nasawing tauhan ng Special Action Force ng Philippine National Police.

Sa kanyang pagsasalita, inamin ng dating pinuno ng SAF na si Ret. Gen. Getulio Napeñas na taong 2006 pa nang una nilang planuhin ang paghuli sa international terrorists na sina Zulkifli bi Hir alyas “Marwan” at Abdul Basit Usman.

Ayon kay Napeñas, dalawang tauhan ng SAF ang namatay noong 2006 dahil sa pakiki-alam ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa kanilang operasyon laban sa dalawang terorista.

Bigo rin ang kanilang mga isinagawang operasyon noong 2010 at 2012 dahil din sa umano’y pakikialam ng MILF.

Muling binigyang-diin ng dating oposyal ng PNP na si Pangulong Noynoy Aquino ang siyang may mabigat na pananagutan sa sinapit ng kanyang mga dating tauhan.

Kundi daw itinago ng Pangulo ang detalye ng nasabing operasyon ay hindi mapapahamak ang mga tauhan ng elite force ng PNP.

Sa kanyang pagsasalita, nanawagan naman si Ginang Christine Cempron, asawa ni PO1 Romeo Cempron sa pamahalaan na gawin ang lahat para mapanagot ang tunay na may kasalanan sa pagkamatay ng kanilang mga mahal sa buhay na kasapi ng SAF 44.

TAGS: maguindanao, mamasapano, Napenas, saf 44, maguindanao, mamasapano, Napenas, saf 44

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.