Special Investigating Team bubuuin sa kaso ng pagpatay sa broadcaster sa Negros Oriental

By Ricky Brozas November 07, 2019 - 12:36 PM

Bubuo na ang isang special investigating Team ang Presidential Task Force on Media Security kasunod ng pagpatay sa isang radio broadcaster sa Dumaguete City sa Negros Oriental Huwebes (Nov. 7) ng umaga.

Alas 7:30 ng umaga nang pagbabarilin ng nag-iisang gunman si Dindo Generoso habang lulan ng kanyang sasakyan sa Hibbard Avenue Bgy. Piapi at papasok sana sa kanyang programa dyEM 96.7 Bai Radio.

“Not again…We’ll create a special investigating team to look into this incident asap. The SOJ, as the chair of the PTFoMS created under AO no. 1, will issue the order creating the SIT. The NBI may be tapped to assist as circumstances may warrant,” Ayon kay DOJ Sec. Menardo Guevarra.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra na tumatayong chairman ng naturang Task Force on Media Security, maglalabas sila ng kautusan para sa pormal na paglikha ng Special Investigating Team sa kaso ni Generoso.

Plano ng kalihim na gamitin na rin ang NBI para tumulong sa gagawing imbestigasyon sa kaso kung kakailanganin.

Ayon sa National Union of Journalist of the Philippines o NUJP, si Generoso ang ikalawang mamahayag na napatay kasunod ng pagpatay sa radio broadcaster ding si Edmund Sestoso noong April 30, 2018 sa Dumaguete City.

Ayon sa Dumaguete City Police, nagtamo ng apat na bala sa katawan ang biktima.

Tumakbong mayor ng lungsod ang biktima noong 2016 pero natalo.

Blangko pa ang mga pulis sa tunay na motibo sa krimen.

TAGS: media killing, Negros Oriental, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Special Investigating Team, Tagalog breaking news, tagalog news website, media killing, Negros Oriental, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Special Investigating Team, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.