Morissette Amon nagwalk-out sa isang concert

By Jimmy Tamayo November 07, 2019 - 12:12 PM SHARE(S):

Pinag-uusapan ngayon ang isang video na kumakalat sa mga social media kaugnay ng pag-walk-out ng singer na si Morissette Amon sa isang concert.

Ayon sa ulat, guest si Morissette sa concert ng isang baguhang singer sa Music Museum Miyerkules ng gabi (Nov. 6) pero hindi ito umakyat sa entablado para mag-perform.

Base naman sa kwento ni Jobert Sucaldito na nagsilbi ring producer ng show, tila na-offend si Amon sa tanong ng isang reporter tungkol sa lovelife nito.

Nag-iiyak na diumano ang singer at ayaw nang mag-perform.

Kwento pa ni Sucaldito na iniuuntog ng singer ang ulo sa pader.

Dahil dito, napilitan si Sucaldito na humarap sa audience para sabihin na hindi makakakanta si Amon dahil sa umanoy “medical issues.”

Sa isang video na pinost sa Facebook ng isang Maine Musni Nieto, hiniling pa ni Sucaldito na umakyat man lamang sa stage ang singer para makita ng tao at upang hindi siya pagdudahan na niloko niya ang mga bumili ng ticket para sa nasabing palabas.

Pero sa halip na umakyat sa entablado ay umalis si Amon at nakasimangot pa umano ito nang umalis palabas ng venue.

TAGS: concert, Morissette Amon, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, walk out, concert, Morissette Amon, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, walk out

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.