Pangulong Duterte natuwa sa pagtanggap Robredo sa alok na maging drug czar

By Chona Yu November 07, 2019 - 12:04 PM

Welcome para kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtanggap ni Vice President Leni Robredo sa kanyang alok na maging drug czar o co chairman ng inter agency committee on anti-illegal drugs.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, natuwa ang pangulo sa cabinet meeting kagabi nang malaman ang desisyon ni Robredo.

Umaasa aniya ang pangulo na ngayong drug czar na si Robredo, makikita na nito ang totoong sitwasyon sa grounds, partikular na ang posisyon ng pamahalaan kontra sa extrajudicial o state sponsored killings.

Sinabi pa ni Panelo na umaasa ang pangulo na maiintindihan ni Robredo na nangyayari ang patayan dahil sa nanlalaban ang mga ahente ng nasa ilegal na droga.

Pagtitiyak ni Panelo, ibibigay ng administrasyon ang buong suporta kay Robredo para mapagtagumpayan ang kampanya kontra sa ilegal na droga.

TAGS: drug czar, Leni Robredo, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, Salvador Panelo, Tagalog breaking news, tagalog news website, drug czar, Leni Robredo, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, Salvador Panelo, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.