138 kilos ng frozen meat galing The Netherlands nakumpiska sa palengke sa Tuguegarao

By Dona Dominguez-Cargullo November 07, 2019 - 11:57 AM

Nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Veterinary Office (PVO) at National Meat Inspection Services (NMIS) Regional Office ang 138 kilos ng frozen meats sa Don Domingo Market, Tuguegarao City.

Ikinasa ang meat inspection sa naturang palengke bilang bahagi ng safety measures ng citg government laban sa African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Dr. Arnulfo Perez, Acting Provincial Veterinarian, nakakumpiska nila ang 138 kilos na imported frozen meat na galing pa sa The Netherlands.

Ang nasabing mga imported frozen meat ay ibinaon agad upang maiwasan ang paglaganap ng ASF sa probinsya ng Cagayan.

Ayon pa kay Dr. Perez, regular na nagsasagawa ng inspeksyon sa mga pampublikong pamilihan ang PVO at NMIS upang mapaigting ang kanilang monitoring sa pagpasok ng mga karne lalo na sa mga frozen meat at de lata na galing sa ibang bansa.

Naghigpit sa entry at exit points sa Regiom II upang masiguro na walang makakapasok na karne na may dalang ASF at masusi na ini-inspeksyonan ang mga pampublikong sasakyan na bumibiyahe.

Hinimok din ni Perez ang publiko na ipaalam agad sa kaniyang tanggapan kung may nagpupuslit ng mga imported meat sa kanilang lugar lalo na sa mga pampublikong palengke.

TAGS: African Swine Fever, ASF, Cagayan, NMIS, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, African Swine Fever, ASF, Cagayan, NMIS, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.