Metal band na Slipknot may concert sa Pilipinas

May concert sa bansa ang American metal band na Slipknot.

Sa Facebook page ng grupo, nakasaad na kasama ang bansa sa kanilang Southeast Asia tour.

Magaganap ang concert ng Slipknot sa Amoranto Stadium sa Quezon City sa March 29, 2020.

Maliban sa Pilipinas, bahagi din ng tour ng metal band ang Tokyo, Japan; Singapore; at Jakarta, Indonesia.

 

Read more...